**You have the rights not to agree with everything that is written above
see you in hell.
totoo ‘to, guys. nangyari na sakin
bad3p
eto ang mga common at mabababaw na dahilan na pwede natin ikabadtrip…
* Gisingin ka sa iyong napakasarap na pagtulog. At hindi naman pala importante ang dahilan kung bakit ka ginising. Ang sarap manipa sa mga ganong pagkakataon.
* Pagod na pagod ka sa maghapong activity mo (school or office). Gutom na gutom ka na, at sa pag-asang mapawi ang gutom ay naeexcite ka pang umuwi ng bahay. At pagdating mo ng bahay, dali-daling lumapit sa kusina… subalit wala kang makita, WALANG MAKAIN!!! WALANG ULAM!!!! anak ng„,!!! di man lang tinirhan tsk tsk…
* Nakakahawa din ang badtrip. Malalaman mong badtrip ang tao pag nagdadabog. At pag ikaw naman ang dinabugan, mababadtrip ka rin diba? ayun nahawa ka na„, lalo na’t di mo alam kung bakit pati ikaw nadadamay sa kabadtripan niya.. Masasabihan mo sya ng “Ano bang problema mong #$#$ ka!” …. iba na yan…
* Bumili ka ng damit (tshirt, sapatos or pants etc). Hindi mo muna to isinusuot dahil nirereserba mo ito para sa isang matagal nang pinaghandaang okasyon.. At kapag dumating ang na araw na iyon, hindi mo ito makikita, nawawala… hanggang sa matuklasang sinuot na pala ng kapatid mo ang nireserba mo. Kakainit ng ulo noh..
* Itago ng kabarkada mo ang tsinelas mo or Cellphone mo.. aasarin ka pa at magpaparinig na, “oy ilabas niyo na ang tsinelas niya sino ba nagtago non?” di nila isosoli iyon hanggat di ka nababadtrip… o umiyak…
* May ginagawa kang isang mahirap na gawain, project or office work sa computer, you spend hours working on it, malapit ka nang matapos at biglang naghang ang computer or nagbrownout… at nakalimutan mo pala itong i-save… thinking sisimulan mo ulit sa umpisa ang masalimuot na gawain… im sure mapapamura ka ng di sinasadya!
* Late - sinong di mababadtrip, kung pag antayin ka ng mahigit 2 oras.. todo effort ka pang magmadali… nakakadala!
* Ang ganda ganda ng araw mo at bigla kang tatalakan ng jowa mo… Aawayin ka dahil sa isang bagay na wala namang sense pag awayan, yung parang trip lang ng jowa mong awayin ka… at sa kapuputak niya ay gusto mo na syang suntukin tadyakan at pagsasampalin pero mo hindi mo magawa dahil mahal mo sya. Sa pader mo na lang ibaling. Yun ang suntukin mo! Wag ka nang mandamay sa kabadtripan mo hehehe… Wag mo na lang palalain ang sitwasyon… magkakabati din naman kayo eh.
* Traffic - Madaming high blood na driver sa daan.. at mga driver na nakaka highblood.. pati din pala yung mga nanghuhuli… nakaka highblood din.. di ko naman sinasabing lahat. *wink!
* May magtetext sayo na number lang ibig sabihin hindi mo alam kung sino.. syempre rereplyan mo ng “hu u txbk” at magrereply ng “hulaan mo” or “secret”…..BWISET!
at nakakabadtrip pa pag nangulit at nagtext ng mga di kanais-nais na messages.
* Makita mo ang taong kinababdtripan mo, dahil sablay siya… or meron ding taong di mo alam kung bakit ka badtrip sa kanya… wala naman syang ginagawa sayo.. basta di mo lang talaga trip ang presence niya.. may ganun diba? kaya yung mga haters dyan intindihin na lang natin sila. ipinaglihi ata sa sama ng loob. *wink!
* May maupuang chiklet (bubblegum).. at di matanggal ang gum sa pants mo.. ang masama pa non kung bago lang ang pantalon mo… *share ko lang nung elementary ako… masaya ang araw ko nung oras na yun, pababa ako ng hagdan na nakahawak sa railings, then suddenly i felt something wet and sticky sa aking kamay.. pagtingin ko… UHOG!!! watda!!!
* Mabitin…. Badtrip ang mabitin.. yun na yun!
* May sasabihin sayo ang taong kausap mo at hindi niya din itutuloy yung sasabihin niya, then sasabihin niyang di pwede sabihin pero nabanggit na niya. At hanggang sa mamayang gabi ay di ka na makakatulog dahil naiisip mo kung ano yung sasabihin niyang yun…
* Meron ka dapat sasabihin pero na interupt, di mo natuloy sabihin at kapag sasabihin mo na, bigla mong nakalimutan… sasabihin mong “ano ba yung sasabihin ko? nasa dulo lang ng dila ko yun eh” at maaalala mo na lang pag wala na sa topic ng usapan yung sasabihin mo. Hays!
* Sisingilin mo yung taong may utang sayo.. ikaw pa yung mahihiyang maningil, tapos pag siningil mo na siya,.. siya pa ang may ganang magalit. makakarinig ka pa mula sa kanya ng…. “Di ka na makatulog dahil dyan?” ikaw pa ang magmumukhang masama… pero sa totoo lang yung pinangako niyang panahon na magbabayad sya ay malapit nang mag anniversary na di pa din nababayaran. At kapag nabayaran ka na dahil napilitan siya.. sasabihan ka pang “ayan na oh..isaksak mo sa baga mo.”
*Rush Hour - between 5 to 7pm ang hirap sumakay ng jeep or cab… pag nakasakay ka na sobrang traffic naman… sa MRT or LRT naman sobrang siksikan na at tulakan, tapos pagbukas pa ng door ng MRT or LRT may lalabas pa nga lang ang mga tao, magpapasukan na yung iba, kaya lalo tuloy nagkakagulo… walang disiplina… gosh!
* Pag usapan ka ng mga tao.. Di mo sila naririnig pero alam mong ikaw ang pinag uusapan dahil nakatingin sila sayo… di mo naman sila makumpronta dahil pwede ring hindi ikaw ang pinag uusapan at tamang hinala ka lang.. pero pano kung ikaw nga talaga? diba nakakainis yun di mo alam gagawin mo, mababadtrip ka lang talaga.


